Sunday, August 18, 2013

Wonder Mom

                                 ALICIA BENITEZ DELA CRUZ

 INA  NG APAT NA ANAK(
chona, melchor ,alfie at cherry) ASAWA NI FIDEL LAXAMANA DELACRUZ.
             

   isang tipikal na ina.....mapag mahal na asawa, maunawain....mapagkumbaba. mabait, pasensyosa. pero madalas nasasagad ang pasensya nya sa sobrang kakaulitan ng kanyang mga anak, ilang palo at latay na ba ang inabot ko sa kanya? marami hindi ko na mabilang!
   
     pero kahit na pagod siya sa mga gawaing bahay at pag aalaga sa amin, nagagawa pa rin nyang ngumiti, tingnan ninyo siya seryoso diba,? dibdiban kung magtrabaho, eh may likod pa naman siya! hahahaha, joke lang! ganyan si mama, pag trabaho, trabaho lang....pero ok siya cool...
 


    ang mga nanay, hindi nila kayang tiisin ang kanilang mga anak,, kahit gaano tayo kapasaway, magtanim man tayo ng galit sa kanila, dahil sa tingin natin ay sumosobra na sila, pero kung tutuusin tayo ang sobra na!
lumayas man tayo at magpunta sa mga kaybigan, pasasaan ba at magsasawa rin sila! ang siste balik tayo sa ating mga magulang, at maiisip natin na mali tayo ng  desisyon, tatanggapin nila tayo ng buong buo, hindi nila tayo kayang tiisin, pero sila , natitiis natin. wala tayong, paki alam sa kanilang nararamdaman, hindi natin iniisip na ng aalala sila sa atin.
   
      ngayon ko lang talag lubusang naiisip ang mga pangaral nila sa akin noong bata pa ako, kasi noon pasok sa kanang tainga labas sa kaliwa. kung sabagay wala naman talagang magulang na maghahangad ng kapahamakan ng kanyang anak! tayo lang naman ang makulit, dahil mga bata mapupusok, nasasama sa barkada,,,,hindi naman masama ang makipagkaybigan pero dapat piliin natin ang taong pakikisamahan natin. hay naku!
   kung sbagay wala talaga sa una  ang pagsisisi, lagi yan nasa huli!

      kaya kayong mga kabataan makinig sa mga magulang, mahalin natin sila gaya ng pagmamahal na inuukol nila sa atin,    






    WE LOVE AND SALUTE ALL MOTHER IN THE WORLD,  MAY GOD BLESSED YOU ALL!