Wednesday, April 5, 2023

KATOTOHANAN SA HIMALA NG ITIM NA NASARENO

          Maraming deboto ng itim na nasareno ang naniniwal na mapapagaling sila sa kanilang karamdaman at matutupad ang kahilingan nila sa pagdedebusyon tuwing pista ng itim na nasareno. Subalit ayon sa bibliya, ay malaking pagkakasala ang pagsamba sa diyos diyosan at mga inukit ng tao na imahe ng sinumang wangis ng diyos o nilalang ng kalangitan, ngunit bakit ito ay gingawa parin ng maraming deboto? 
        Ang pananampalataya pagsamba at pananalangin ay hindi lamang dapat ginagawa tuwing pista bagkus ito ay ginagawa araw araw saan man at kaylanman!  Ngunit hindi natin dapat husgahan o masisisi ang maraming deboto, kung ito ay may magandang resulta sa takbo ng buhay nila. Ang pananalig ay nagbibigay ng magandang kaisipan, positibong enerhiya na nagpapaganda ng daloy ng ating buhay at katawan, kasabay ng tamang gamutan at disiplina sa katawan kung ikaw ay may karamdaman,  isagawa at isapuso ang iyong dalangin kasabay ng sipag at tiyaga, ika nga nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa
       TO GOD BE THE GLORY!

SENAKULO (KALIGTASAN TUNGO SA BUHAY NA WALANG HANGGAN)

      Ano nga ba ang pagpipinitensiya? Ito ba ang daan tungo sa kaligtasan? Sa buhay na walang hanggan o patungo sa kahariaan ng Diyos? Nararapat ba na pasakitan ang ating sariling katawan, bilang paggunita sa muling pagkabuhay ni Kristo? Matutuwa ba ang diyos sa kaparaanang ito?
       Saan at kaylan ba ito nagsimula? Kung anoman ang kadahilanan ng paglaganap ng tradisyong ito,  hindi ito makatwiran subalit sa mga gumagawa nito ano man ang kanilang dahilan, ito ay kaniang sariling desisyon sa tunay na pananampalataya debusyon, na kanilang, isinusulong irespeto na lamang natin!
   Ngunit sa kapanahunan ngayon marami na ang gumagawa nito para lamang makapag yabang o maka agaw pansin kung minsan lasing pa sila o isa lamang trip trip ng barkada!
     Bahala kayo sa buhay niyo hahahhaha. 
TO GOD BE THE GLORY! 

KATOTOHANAN SA PAG AKLAS NI LUCIFER?

              Naisip ko lang naman, paano kung halimbawa, na ang pagaaklas ni lucifer ay isang misyon na iniatang ng  Diyos sa kanya? Kumbaga isang top secret mission?  Na ailang dalawa lamang ang nakakaalam! Hmmmmmp?  Kung halimbawa na hindi nag aklas si lucifer ano ang kalagayan ng maga tao ngayon ano ang sitwasyon ng mundo? 
     Maari kaya, na ginawa ito ng Diyos upang magkaroon ng balanse sa mundo mabuti at masama? At ito ang misyon ni lucifer, para sa gayon ang mga tao ay may katatakutan para hindi gumawa ng masama o di kaya ay magsisi sa kanilang mga pagkakasala?  Kung ang lahat ay naaayon sa kagustuhan ng diyos? Tayo ay may free will malayang kaisipan bilang isang tao.
      Kayo ano sa palagay ninyo? Ang tunay na dahilan sa pag aklas ni lucifer? What if hindi siya nag aklas, diba? Isipin niyo, puno talaga ng misteryo at sikreto ang buhay, IMAGINATION IS YOUR LIMIT!
    

TAMANG LUGAR NG PAGSAMBA AT PANALANGIN

      Sa modernong panahon ngayon san ba dapat ang tamang lugar ng pagsamba at pagdarasal?  Ikumpara natin sa sinaunang panahon,
      Mga pasilidad na marangyang pinagdarausan ng pagsamba at pananalangin na inukit at hinulma ng mga tao, dinirinig ba nga diyos ang kanilang dalangin at pagpupur? Sa lugar sambahan nila? Ano ang tamang paraan ng pagsamba at pananalangin?
      Ito ang aking sariling point of view, walang mali o tamang lugar ng pagsamba o pananalangin  kung ito ay nanggaling sa puso, taimtim wagas puro o dalisay, kahit nasaan kapa o kahit kaylan mo gustong papurihin ang ating dakilang lumikha, ito ay sapat na, isagawa at isapuso ang mga mabubuting dalangin, Salamat sa pagbabasa, TO GOD BE THE GLORY!
      

SINO NGA BA ANG TUNAY NA DIYOS?

       Totoo ba ang Diyos? Sino siya at saang kalawakan siya matatagpuan, sa henerasyon ng sangkatauhan ngayon, ano nga ba ang tunay na Diyos at pananmpalataya?
      Ibat ibang turo ng mga lider ng mga ibat ibang grupong pang relihiyon, ang nagtutunggali tungkol sa kanilang paniniwala, subalit ano nga ba ang basehan nila tungkol sa Tunay na Diyos?  Meron naman nagsasabi na ang diyos ay isang nilalang ng kalawakan na hindi kayang arukin ng modernong teknolohiya, kulang na kulang parin tayo sa kaalaman at teknolohiya upang maabot ang kataas taasang lumikha ng sanlibutan.
       Para sa aking sariling pananaw, basta tayo ay naniniwala sa dakilang lumikha, sumsampalataya sa mga mabuting gawa sapat na,  kahit sinong diyos ang sinsabi ng ibat ibang grupong pang relihiyon, iisa lamang ang kanilang pinatutungkulan, kaya wag na sanang mag alinlangan, na tayo ay ginagabayan, at pinapahalahan ng ating Panginoon. BELIEVED what you believe! Wag kayong manghusga at manakit ng kapawa tao, maging positibo sa buhay kahit anong dumaan sa ating buhay magtiwala lamang tayo na ang lahat ay may simula ata katapusan, dahil ito ang natural na proseso ng kalawakan.