Wednesday, April 5, 2023

SINO NGA BA ANG TUNAY NA DIYOS?

       Totoo ba ang Diyos? Sino siya at saang kalawakan siya matatagpuan, sa henerasyon ng sangkatauhan ngayon, ano nga ba ang tunay na Diyos at pananmpalataya?
      Ibat ibang turo ng mga lider ng mga ibat ibang grupong pang relihiyon, ang nagtutunggali tungkol sa kanilang paniniwala, subalit ano nga ba ang basehan nila tungkol sa Tunay na Diyos?  Meron naman nagsasabi na ang diyos ay isang nilalang ng kalawakan na hindi kayang arukin ng modernong teknolohiya, kulang na kulang parin tayo sa kaalaman at teknolohiya upang maabot ang kataas taasang lumikha ng sanlibutan.
       Para sa aking sariling pananaw, basta tayo ay naniniwala sa dakilang lumikha, sumsampalataya sa mga mabuting gawa sapat na,  kahit sinong diyos ang sinsabi ng ibat ibang grupong pang relihiyon, iisa lamang ang kanilang pinatutungkulan, kaya wag na sanang mag alinlangan, na tayo ay ginagabayan, at pinapahalahan ng ating Panginoon. BELIEVED what you believe! Wag kayong manghusga at manakit ng kapawa tao, maging positibo sa buhay kahit anong dumaan sa ating buhay magtiwala lamang tayo na ang lahat ay may simula ata katapusan, dahil ito ang natural na proseso ng kalawakan.

No comments:

Post a Comment