Wednesday, April 5, 2023

KATOTOHANAN SA HIMALA NG ITIM NA NASARENO

          Maraming deboto ng itim na nasareno ang naniniwal na mapapagaling sila sa kanilang karamdaman at matutupad ang kahilingan nila sa pagdedebusyon tuwing pista ng itim na nasareno. Subalit ayon sa bibliya, ay malaking pagkakasala ang pagsamba sa diyos diyosan at mga inukit ng tao na imahe ng sinumang wangis ng diyos o nilalang ng kalangitan, ngunit bakit ito ay gingawa parin ng maraming deboto? 
        Ang pananampalataya pagsamba at pananalangin ay hindi lamang dapat ginagawa tuwing pista bagkus ito ay ginagawa araw araw saan man at kaylanman!  Ngunit hindi natin dapat husgahan o masisisi ang maraming deboto, kung ito ay may magandang resulta sa takbo ng buhay nila. Ang pananalig ay nagbibigay ng magandang kaisipan, positibong enerhiya na nagpapaganda ng daloy ng ating buhay at katawan, kasabay ng tamang gamutan at disiplina sa katawan kung ikaw ay may karamdaman,  isagawa at isapuso ang iyong dalangin kasabay ng sipag at tiyaga, ika nga nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa
       TO GOD BE THE GLORY!

No comments:

Post a Comment